Ngayong nasa America na ako saka ko naman natripan manood ng TV. Syempre TFC para updated pa rin ako sa showbiz sa pinas. Nung una masayang masaya pa ako nanonood pero hindi nagtagal nakakasawa na.
Nasaan na ba yung mga de-kalidad na pelikula noon? Yung tipong naglalakad si Christopher De Leon sa beach tapos biglang makakasalubong nya si Vilma Santos sabay hihinto ang lahat sa paligid. Eh ngayon pag manonood ka ng TV ang makikita mo ay si Robin Padilla kapartner si Bea Alonzo. Hello? Si Piolo Pascual at KC Concepcion masahol pa ang paglalandian sa pirated na pelikula sa pirated na DVD player. Sa Primetime, mga Koreano at Korenang hindi mo naman maiintindihan kung hindi pa ittranslate ang mga pinapalabas. Diyos ko! Bakit ba penitensya na ang panonood ng love story ngayon?!
Sana bumalik yung mga panahong tinginan lang ng dalawang artistang naglalambingan ay sapat na para makalimutan ng manonood ang presyo ng gasolina. Ayoko, isinusuka ko, pinandidirihan ko, isinusumpa ko, ang panahon ngayon na kung saan mas masarap pang jumebs kaysa manood ng kissing scene.
No comments:
Post a Comment